Kelan nga nagsisimula ang buhay? Kelan natin masasabing buhay tayo? Saan at kelan nga ba nagsimula ang ating buhay? Noong nagsimulang huminga ang bata mula sa sinapupunan ng kanyang ina ba nagsimula ang kanyang buhay? O di kaya'y noong inire ng ina ang kanyang sanggol?
Isa pa ring palaisipan sa sangkatauhan kung kelan nga nagsimula ang buhay ng isang nilalang. Kung ating iisiping mabuti ay walang eksaktong araw kung kelan talaga nagsimula ang buhay. Maraming mga taong nagsasabing ang mga sanggol na hindi pa ipinapanganak ay hindi pa ganap na tao at hindi pa kayang sustentuhan ang kanyang sarili para ito ay mabuhay. Kung ating tatanggapin ito, hindi magiging ganap na buhay ang isang nilalang hanggang hindi pa siya iniluluwal sa daigdig para makasama ang kanyang mga magulang. Kapag ito nga ay mapatotohanan, maari nating sabihing mas buhay ang taong nasa edad kinse na kesa sa sanggol na kaluluwal pa lamang? Kung ating hahalungkatin ang nakaraan at pag-aralan ng maigi ang mga nakalap na impormasyon ay mas maliliwanagan tayo sa kung kelan nga ba nagsimula ang buhay ng tao o ng isang nilalang. Dahil nga sa katotohanang buhay tayo, marami ang nagtangkang unawain kung kelan nga ba nagsimula ang ating buhay.
Isa sa mga basehan kung kelan nga nagsimula ang buhay ay ang Bibliya. Ayon sa Libro ng Henesis 1:1 "Ang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa". Dito ipinapakitang nagsimula ang lahat ng buhay sa daigdig nung ginawa na Diyos ang langit at lupa. Lahat ng bagay na nasa daigdig ay nagsimula nung bigyang buhay ng Panginoon ang sanlibutan.Hindi binigyang pansin ng teyoryang ito ang pinagmulan ng indibidwal sa halip ay pinagtutuuan nito ng pansin ang kabuuan. Kabuuang sumasaklaw sa lahat ng bagay na makikita sa daigdig. Dahil nga sa kabuuan ito, naging isang katotohanan na lamang ito sa karamihan dahilan ng pagtuklas ng iba pang demsyon maliban sa teyoryang ito. Dahil nga sa malawak ang sakop ng Bibliya ay marami pa rin ang gumawa ng kani-kanilang teyorya maliban sa sakop ng Bibliya.
Isa sa mga ito ay ang pilosopong si Aristotle na nabuhay noong ika-13 na siglo. Ayon sa kanya pinapalitan daw na kaluluwa ng tao ang kanyang "nutritive soul" hanggang siya ay umabot sa ika-40 na araw para sa mga lalaki at sa ika-90 na araw naman para sa mga babae. Dahil nga sa isa siya sa mga dakilang pilosopo, mathematician,at siyentista noong mga panahong iyon ay madali niyang naimpluwensyahan ang mga tao.(Baumgartner, 2005). Dahil sa impluwensya niya sa mga tao ay higit ilang siglo ring pinaghahawakan ng mga tao ang teyoryang iyon. Maraming naniwala sa kanya hanggang sa lumipas ang maraming siglo at mas nanaig ang agham.
Isa sa mas katanggap-tanggap na teyorya ay ang teyorya ng agham. Nabuo ang teyorya nang matuklasan ang "fertilization" at nang mabigyang linaw ang proseso nito. Ayon dito, nagsisimula ang buhay ng isang tao nang maging isa ang isang hinog na itlog ng babae at isang namumukod tanging similya ng lalaki.Dito ipinapakita na sa panahon pa lamang nag “Conception” ay may buhay na nabuo. Ito ay ang tinatawag na "fertilization". Kapag matagumpay na naging isa ang mga ito ito ay magsisimula nang mag-duplicate at replicate ang mga cells. Magsisimula na ring magkaroon ng laman hanggang sa maging isang organ ito at maging isang ganap na system.
Kung simula ng "fertilization" ang ating pagbabasehan, hindi natin pweding sabihin na may may buhay na habang sila ay mga itlog at similya pa lamang sapagkat sa pag-iisa lamang na mga ito nagsisimula ang "fertilization". Bago pa man naganap ang "fertilization" ay may buhay na ang itlog at similya. Similya ang tawag sa "reproductive cell" ng mga lalaki. Isa itong kakaibang cell sapagkat, di tulad ng ibang "cells" ng katawan, meron lamang itong 23 chromosomes na dala-dala. Napapaloob sa mga chromosomes na ito ang iba't ibang katangian ng lalaking nagmamay-ari dito. Kapag nasa loob ng "uterus" ng babae, 5 araw lamang sila magtatagal. Samantalang, itlog naman ang tawag sa "reproductive cell" ng mga babae. Tulad rin ng similya, meron lamang itong 23 na chromosomes na dala-dala. Hanggang 24 oras lamang ang buhay nito kung ito ay hinog at kapag hindi pa nakikipag-isa sa similya. Kapag naging isa na ang isang namumukod-tanging similya na ito at ang isang hinog na itlog, ang 23 chromosomes ng lalaki ay magtatambal sa 23 choromosomes ng babae. Dito na rin magsisimulang mabuo ang DNA. Napapaloob sa DNA ang 46 na chromosomes na nanggaling sa babae at lalaki. Ang DNA na ito ay sapat na para magkaroon ng isang bagong tao at sapat na rin para magkaroon ito ng buhay. Napapaloob din sa DNA ang iba't ibang pisikal katangian ng lalaki at babae. Bagamat may buhay na ang itlog at similya bago pa man ang mga ito makapag-isa, hindi sila makapag-develop nang wala ang tulong ng isa't isa. Hindi kayang mabuhay ng mag-isa ang similya kayundin ang itlog. Kailangan muna nilang makipagsapalaran hanggang sa maging isa sila bago pa man mabuo ang isang buhay na nilalang.
Dahil nga sa milyon-milyon ang similyang inilalabas ng isang lalaki sa bawat ejaculation at iisa lamang na hinog na itlog ang kayang mabuo ng isang babae, isang posibilidad lamang ang pagkakaroon ng buhay. Iisa lamang sa milyong-milyon na similya ang puweding makatambal sa nag-iisang itlog. Kaya't milyon-milyon din ang posibilidad nang magiging anyo ng nilalang na mabubuo. Sa milyon-milyong mga posibilidad na ito ay iisa lamang ang magiging matagumpay.Sa pagtatagumpay na isang posibilidad na iyon ay isang buhay ang mabubuo.
Sa kabuuan, nasa sa atin din kung kelan nga ba talaga nagsisimula ang buhay. Minsan ay hindi ang araw kung kelan tayo nagkaroon ng hininga ang pinagbabasehan kung kelan nagsimula ang ating buhay. Para sa iba ay kung kelan sila nagbalik sa Panginoon ay ang simula ng kanilang buhay. Hindi natin pweding diktahan ang paniniwala ng bawat nilalang. Dapat lang nating pagtuonan ng pansin ang halaga ng buhay. Oo nga at may kinalaman ang ating pinagmulan sa kung saan tayo patutungo, ngunit gabay lamang ang mga ito. ang mahalaga ay kung sino at ano tayo ngayon at ang kinabukasang naghihintay para sa atin.